ICIBILLET.COM
ICIBILLET
Paroles de chanson
03/05/2026
Guddhist ft. Luci J - Nanlalamig (prod. $tickbeats)
Par LOCAL
Album : Unknown

Verse 1:

Mahal sabihin mo sa akin kung ano ang nangyayari

Tayo ba'y nanlalamig, katanungan ay marami

Minsan nalang magpakita, batid kong ikaw ay busy

Lagi kitang iniisip, hindi mo ko masisisi

Mahal alam mo bang nais ko sanang sayo pumunta

Kaso pinangunahan mo nanaman akong pagod ka

Lubos akong naninibago, mahal sating dalawa

Nung huli na pagkikita ay nakasimangot ka

Ano ba ang dahilan, gagawan kong paraan

Yoko lang naman na relasyon ay magkalabuan

Naririndi ka na siguro sa dami kong sinasabi

Di kasi ako nasanay na hindi ka nagsasabi

Kung saan ka pupunta, may payong ka bang dala

Mahal mag ingat pag naglalakad lalo pag mag isa

Siguro may tampo ka o meron ka nang iba

Mahal nakakatampo na, naghahanap ka bang iba

Hook:

Nasaan ka

Nasaan ka

Tuwing ako'y nag iisa

Nasaan ka

Nasaan ka

Bat parang nagiiba na
Ang yong himig ng pag-ibig mo
Nanlalamig ka ba

Nasaan ka

Nasaan ka

Verse 2:

Aking mahal kamusta ka, gusto kong makita ka

Nananghalian ka na ba o baka tulog ka pa

O baka naman sinasadiya mong magtulog-tulugan

Para lang aking mensahe ay patuloy matabunan

Nako sana wag naman, ang pangit na biro niyan

Tuwing ako ay tumatawag laging binababaan

Bat biglang nagkaganyan, dati di naman ganyan

Dati nagagalit ka pag di ka nirereplyan

Dati nagtatanong ka pa kung san ako pupunta

Kung saking iinuman ay may mga babae ba

Ngayon daig mo pa may utang, rason mo iba iba

Ako naman itong tanga laging iniintindi ka

Ibang iba na ang ngayon, pangit na ng iyong tugon

Saking bawat sinasabi ay di na nakatuon

Di ka naman nawala pero parang yun na nga

Ang yong bawat kinikilos ang laking pinagiba

Hook:

Nasaan ka

Nasaan ka

Tuwing ako'y nag iisa

Nasaan ka

Nasaan ka

Bat parang nagiiba na
Ang yong himig ng pag-ibig mo
Nanlalamig ka ba

Nasaan ka

Nasaan ka

Hook:

Nasaan ka

Nasaan ka

Tuwing ako'y nag iisa

Nasaan ka

Nasaan ka

Bat parang nagiiba na
Ang yong himig ng pag-ibig mo
Nanlalamig ka ba

Nasaan ka

Nasaan ka

Imprimé depuis ICIBILLET.COM - 03/05/2026 12:40